Nagtataka ako kung baket ang tagal ng clearance mula sa DFA. Lampas dalawang buwan na ang nakakaraan nang magreport ako, sa pamamagitan ng isang travel agent, ng LOST PASSPORT. Ang pagkawalang ito ay may kinalaman pa rin sa nangyari sa bahay nung Pebrero pa. Yung kay R, ok na eh, inaantay na lang ang report mula sa Pampanga para mag-appear na siya sa DFA sa Manila.
Nung isang araw ko lang napagtanto ang mga salitang binitawan sa text nung travel agent (kasi pinaliwanag na niya, finally!!!)...malamang sa malamang ay may gumagamit ng passport ko sa kasalukuyan. Basta, dahil hindi daw nagmamatch ang records whatsoever.
Tama! Dahil active ang passport ko, madali daw mabenta iyon para baklasin at gamitin ng iba. Ito pa, nabibili daw ang mga active passport ng daang-libo (isipin mo lang, may mga taong magbabayad ng ganun kalaking halaga para lang makapag-abroad, eh di ba kaya sila mangingibang bayan para magkapera? san nila kinukuha ang daang libo?!?). At may lintik na bumili.
Kaya ikaw na nakikisakay sa bulok na sistema ng buhay sa Pinas...ikaw na gumagamit ng identity ng ibang tao...ikaw na bumili ng binaklas kong passport...humanda ka!!! Pipilitin kong maipadeport ka at pareho kayong mananagot ng letch na nagbenta sa iyo niyan!!!!
Ang nakakainis pa, ako na nga itong naagrabyado, nasa akin pa ang burden na i-prove sa DFA na hindi ako yung taong nasa labas ng bansa, na ako pa ang maglalabas ng mga dokumentong magpapatunay na halllerrrrr, andito ako at hindi magkandaugaga sa buhay sa Pilipinas. Tsk!
Hindi naman ako masyadong galit nyan...

2 comments:
meron ngang bumibili ng passport.
meron dating nag-alok sa tatay ko na bilhin ang passport nya nung time na nag-retired na sya, imagine bibilhin daw ng 40K, that time ang laki na nun. pano active pa kasi bisa nya, ang gagawin lang daw eh babaklasin ang picture at papalitan. di kami pumayag noh!
matagal na yang uso sa pinas.
kaka bad trip talaga haaayyyy...
sobra kasi ang hassle na dinulot ng pagkawala ng passport ko eh.
hay buhay, this is an effect of living in a third world country...maraming nagkukumahog na makaalis kahit na illegal...
tsk tsk tsk
Post a Comment